ronallan24
This will be my last login and last update... i do enjoy doing this stuff... ^^,
Once Upon a Time in High School... (Prequel)
Totoo ngang masaya ang hayskul. Marami tayong mararanasang bagay na minsan lang darating sa ating buhay. Sabi nga ng adviser ko nung grade six, si Sir Vic, sa hayskul ko matatagpuan ang saya ng buhay... mayroon daw akong makukuhang isang bagay na importante. Syempre bata pa ako noon at di ko pa alam yung sinasabi nya. Pero anu nga ba yung bagay nayon??? hmmm... tingnan nalang natin
Unang araw ng first year, nakakakaba... sobrang dami kasing transfer students na galing sa iba't ibang school. Doon muna ako nakihalubilo sa mga classmates ko nung elementary. Mahirap kasing magtiwala agad lalo na kung di mo pa lubusang kilala yung isang tao. Doon ko rin unang naranasang mainlove. Nagkaroon ako ng gf ng ganung kaaga. Tulad ng inaasahan, hindi kinaya kaya yun, break ang hinantungan. Masyado pa kasing bata diba??? hehehe... Natapos ang taon. Doon ako nakisama kila Mark. Pero syempre hindi parin ganoon kapalagay yung pakikisama kaya hindi parin ako kuntento sa pangyayari...
Dumaan ang isang taon at kami at Sophomores na. Medyo naging maayos naman ang aking pakikisama sa mga kaibigan ko. Tulad nung first year, hindi ko parin alam kung saan talaga ako papanig. Mahirap. Baka kasi maging plastikan lang ang mangyari. sa grupo parin ako nila Mark sumasama. Okay naman kami. Walang awayan, puro kalokohan, kagaguhan, etc. Field trip namin noon at naalala ko kila Pao ako sumama noon, nakahalubilo ko rin ang iba kong mga classmates na talaga namang masasabi kong totoong kaibigan. Simula noon sa kanila na ako sumama. naging okay naman kami hanggang mag third year. Nung taon din nayon dumating sa klase namin si Hannah at Djerbie. Nabuo rin namin ang isang barkada na tinawag naming "gryffindorx"... sampu kame doon... si epeng, pao, arjay, martin, richard, euni, meng, pute, jobelle, at ako... Naging maayos naman kame sa loob ng isang taon. Inenjoy namin ang mga sandaling magkakasama. nanood ng Lovestruck sa aliw, kumain ng kung anu ano... kwentuhan... at marami pang iba... Okay ang lahat... okay na okay... pero dumating rin ang unos sa buhay namin...
Retreat ng 4th year lumabas ang lahat lahat. Mga sikreto, hinanakit, sama ng loob at iba pa. Akala ko ay magiging okay ang klase namin dahil labasan na ng sama ng loob eh... Akala ko maayos ang lahat... Akala ko magiging masaya narin ang buong room ng magkakasama... Akala ko lang pala... Hindi pala ganoon... Ang sa iba'y mas tumindi pa ang naging resulta... Hindi ko ininda ang lahat... nagpaka manhid ako... akala ko maayos din ang problema paglipas ng ilang araw... pero hindi... pinanindigan nya yung desisyon nya... pinanindgan ko din ang akin... hindi lang iyon... marami ring nadawit... nalayo ako sa gryffindorx at sumama ulit sa grupo ni Mark. Okay naman ako sa kanila... pero syempre nakaka panghinayang yung pagkakaibigan na nabuo. Pero wala na akong magagawa... ganyan talaga ang buhay... hindi laging puro saya, minsan may paghihirap din... Ilang araw nalang din ang natitira at kami'y gragraduate na. Ngayon ko lang napagtanto ang sinabi sakin ng aking guro... yun pala ang bagay na mahalaga, ang aking mga KAIBIGAN... sila ang mga kayamanang higit na mas mahalaga kaysa sa natutunan namin sa paaralan... mga taong hindi ko malilimutan kailanman...
Tama nga, iba pala talaga pag hayskul. Ang dami mong mararanasang bagay na di inaasahan. Pero totoong masaya ang hayskul. Doon ko lamang nakita ang kariktan ng buhay. The best ang hayskul!!!! Ito ang mga bagay na mamimiss ko ngayong kami'y college na. Masaya ako at nakilala ko ang mga tulad nila... ang aking mga kaibigan na di ko ipagpapalit kanino man...
Apat na taon nating nilakbay ang hayskul. Puno ng saya, kalungkutan, iyakan at tawanan. Apat na taon ng paghihirap at dusa. Ngayon tayo ay college na, sana wag nating kalimutan ang isa't isa. Ang nasimulang pagkaikaibigan, mga relasyong nabuo, at iba pang memorya ay tatatak sa aking puso at isipan. Basta lagi nyong tandaan na minsan sa ating buhay, tayo ay nagka sama sama at dumating sa buhay ng bawat isa...
Message:
Ilang araw nalang ang natitira... kaya sa mga may di magandang samahan dyan eh ayusin nyo... mahirap na kasi baka sa huli pa kayo magsisi... matapos ang school year na hindi naaayos ang problema... manghihinayang din kayo sa nabuo nyong samahan... go!!! simulan mo na... before it's too late... aja!!!

No Commentos - Commento
Profile
Calendar
Recent Visitors
Friends